Balikatan ng DTI, Go Negosyo, at DA, palalakasin pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na lalakas pa ang Public-Private Partnership sa pagitan ng Go Negosyo, Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, kasunod ng pagkakatalaga kay Joey Concepcion bilang miyembro ng DTI MSME Development Council.

Ito ayon kay Concepcion ay dahil isinusulong pa ng pamahalaan ang pagpapalakas sa hanay ng mga maliliit na negosyante sa bansa.

Sa breifing ng Laging Handa, binigyang diin ni Concepcion, na susi sa patuloy na pagbubukas ng trabaho para sa mga Pilipino ang pagpapalakas ng hanay ng micro small at medium enterprises (MSMEs).

Upang maabot kasi aniya ang lahat ng mga Pilipino sa bansa, kailangan na hindi lamang ang mga malalaking kumpaniya ang patuloy na lumalago. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us