Nagpatnubay ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education- Technical Education and Skills and Development (MBHTE TESD) Tawi-Tawi ng unang Bangsamoro program para sa TVET sa taong 2023 sa pinakamalayong isla ng Pilipinas.
Limang kurso ang pinamahala nito sa Mapun,Tawi-Tawi.
Samantala 123 ang bilang ng mga Jama Mapun na nagsasanay sa mga kursong pinamamahalaan ng Tawi-Tawi Polytechnic College Inc. 25 sa bread and pastry production NC II, electrical installation and maintenance NC II, masonry NC II, plumbing NC II, at 23 naman sa carpentry NC II.
Ayon sa Provincial Director ng MBHTE TESD Tawi-Tawi si Maryam S. Nuruddin, EdD, nagagalak siyag naisakatuparan ang programa dahil ito umano ay pagpapatunay na walang sinumang mapag-iiwanan sa BARMM.
Nagpasalamat din siya sa LGU Mapun at Tawi-Tawi Polytechnic College Inc. sa maayos na pagganap ng naturang pagsasanay. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi