BI at Commission on Filipino Overseas, nagkasundong magtutulungan vs. human trafficking, scammers at fixers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumirma sa isang Memorandum Agreement ang Bureau of Immigration (BI) at Commission on Filipino Overseas (CFO), upang lalo pang palakasin ang kampanya at giyera laban sa human trafficking, scammers at fixers.

Sa isinagawang MOA signing, kapwa pinagtibay ng dalawang ahensya ang kanilang dedikasyon na matiyak ang maayos na serbisyo laban sa mga gumagawa ng ilegal sa mga Filipino overseas.

Sinabi nina CFO Secretary Romulo Arugay at Immigration Commissioner Norman Tansingco, layunin ng kasunduan na pagtibayin ang pagtutulungan para sa online at real time data sharing, upang tapusin ang mga namemeke ng mga dokumento na kadalasang daan ng human trafficking.

Laman din ng naturang kasunduan, na papayagan ang database ng CFO na makipagtulungan sa Border Control Information System ng Bureau of Immigration.

Sa ganitong paraan ay mapapabilis din ng CFO ang pagtukoy sa mga dokumento ng mga Filipino overseas sa mga International Airport. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us