BIDA Workplace, ilulunsad na ng DILG sa mga pribadong kumpanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hihikayatin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang malalaking kumpanya sa bansa upang dalhin ang kampanya kontra iligal na droga sa pribadong sektor.

Ito’y bilang pagtalima sa layunin ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawn (BIDA) Program na pagkaisahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa laban kontra iligal na droga.

Inanunsyo na ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. ang napipintong paglulunsad ng tinatawag na “BIDA Workplace”sa Mayo 25 ngayong taon.

Sa ilalim ng pipirmahang mga kasunduan, magkakaroon ng kani-kaniyang programa at polisiya kontra droga ang mga pribadong kumpanya na naaayon sa adhikain ng BIDA Program.

Isang halimbawa na dito ay ang pagsasagawa ng random drug testing ng mga empleyado. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us