‘BIDA workplace’, inilunsad ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pakikipag-ugnayan nito sa pribadong sektor para mapalawak ang anti-illegal drugs advocacy program ng pamahalaan na ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan; o BIDA.

Kasunod ito ng paglagda ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. at mga opisyal mula sa 100 malalaking kumpanya sa isang Memorandum of Undertaking (MOU) para sa paglulunsad ng BIDA workplace.

Kasama rito ang mga kumpanya na nasa construction, restaurant, banking, at electric industry.

Layon ng naturang inisyatiba na madala ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa mga pampribadong kumpanya sa bansa.

Sa ilalim ng MOU, maglalatag ng kani-kaniyang programa at polisiya kontra droga ang mga pribadong kumpanya na naaayon sa adhikain ng BIDA Program, kabilang rito ang pagsasagawa ng random drug testing sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Sec. Abalos, ginagarantiya sa RA 9165 o ang Dangerous Drugs Act na maaaring magkasa ng random drug testing ang mga kumpanya.

Ang mga empleyadong tatanggi rito ay pwedeng mapatawan ng sanction o termination sa ilalim ng labor code.

Magkakaroon din ng BIDA workplace seal para sa mga establisyimentong drug-free.

Present naman sa pagtitipon si First Lady Louise Araneta-Marcos na nagbigay ng mensahe bilang suporta sa inisyatiba ng DILG.

Ayon kay First Lady Louise Araneta-Marcos, umaasa itong sa tulong ng partnership ng DILG sa pribadong sektor ay mas maraming mamamayan pa ang mamulat sa panganib ng iligal na droga at tuluyan na itong ayawan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us