Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso, nabawasan — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.42 milyong Pilipino na walang trabaho noong Marso.

Kasunod nito, umakyat naman sa 95.3% ang employment rate o katumbas naman ng 48.58 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.

Habang ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 11.2% na mas mababa sa 12.9% kung ikukumpara noong Pebrero ng 2023.

Kabilang sa mga sektor na may malaking pag-angat sa employment noong Marso ang construction, transportation and storage, mining and quarrying, manufacturing, at admin and support service.

Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ang sektor ng wholesale at retail, agriculture at forestry, at pati na ang accommodation and food service activities.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us