BOC, pansamantalang sinuspinde ang visiting hours sa Bilibid dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Corrections ang visiting hours sa New Bilibid Prisons dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapng Jr., matapos makapagtala ng 32 kaso ng COVID-19 nitong May 2 at 16 naman ang nagpositibo kahapon, May 3.

Karamihan sa tinamaan ng sakit ay naka-confine ngayon sa maximum compound o naka-isolate sa ward ng NBP na pawang mga asymptomatic at mild cases lamang.

Kaugnay nito, ayon naman kay BuCor Health Services Director Ma. Cecilla Villianueva, patuloy na ang kanilang pagsasagawa ng contact tracing upang hindi na kumalat ang naturang virus sa loob ng pamabansang piitan.

Samantala muli namang tiniyak ni Villanueva na 99 percent sa PDLs ang bakunado o fully vaccinated na at 94 percent naman ang nakatanggap na ng booster shots. | ulat ni Arrian Jeff ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us