Breast cancer screening para sa mga kababaihan sa Muntinlupa City, libre na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala nang babayaran ang mga kababaihan na nais magpasuri para sa breast cancer sa Muntinlupa City.

Ang nasabing programa ay magsisimula sa unang araw ng Hunyo, June 1.

Yan ay kasunod ng nilagdaang kasunduan ng lokal na pamahalaan at ng Medical Center sa Muntinlupa.

Kabilang sa malilibre ang Mammogram na kung ipapagawa ay nasa ₱1,500-₱5,000 at Ultrasound na nasa ₱700-₱900.

Ayon sa PIO ng Muntinlupa City, maaaring magpunta sa hospital ng Muntinlupa at mga Health Center sa lungsod para sa libreng breast screening.

Pagkatapos ay pupunta sa Kalinga Mutya Action Center para sa official referral para maipasa ang kaukulang dokumento. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us