British Embassy sa Pilipinas, magsasagawa ng aktibidad kaugnay ng koronasyon ni King Charles III bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng iba’t ibang programa at aktibidad ang Embahada ng Britaniya sa Pilipinas kaugnay ng nakatakdang coronation ni King Charles III, bukas.

Batay sa abiso ng British Embassy sa Manila, kabilang na rito ang tinaguriang “Coronation picnic” na isasagawa sa Quezon Memorial Circle kung saan mapapanood ang livestream ng mga pangyayari mula sa Westminster Abbey.

Matapos ang seremonya susundan naman ito ng isang konsiyerto tampok ang mga sikat na awitin sa United Kingdom.

Mayroon ding sports activity gayundin ay may mga trivia pa silang ilalahad patungkol sa Royal Family, at itatampok ang mga pagkain at inumin na tatak Briton.

Gayunman, binigyang diin ng embahada na libre ang nasabing mga aktibidad at bukas ito sa publiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us