Brownout sa NAIA, isa na namang kabiguan sa sistema ng paliparan – Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinastigo ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang nangyaring brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kaninang umaga.

Ayon kay Poe, ang naturang insidente ay nagpapakita ng isa na namang kabiguan sa sistema ng paliparan na nagdulot ng abala sa mga biyahero.

Binigyang diin ng senador, na ang kakulangan ng gumaganang air conditioner sa ilang bahagi ng airport ay hindi lang abala kung hindi maaaring makasama pa sa kalusugan lalo na para sa mga matatanda.

Para sa mambabatas, hindi katanggap-tanggap na tuwing may brownout ay maaantala ang buong sistema ng airport at ang biyahe ng publiko.

Aniya, dapat ay natuto na ang Department of Transportation (DOTr) at ang NAIA sa mga naunang aberyang naranasan ng paliparan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Photo: Department of Migrant Workers

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us