Patungo ng Indonesia ang BRP Andres Bonifacio (PS17) para lumahok sa Multi-lateral Naval Exercise Komodo (MNEK).
Pinangunahan ni Commander of Fleet Marine Ready Force, BGen. Edwin Amadar PN(M) ang send-off ceremony para sa BRP Andres Bonifacio at delegasyon ng Philippine Navy, kahapon.
Ang ehersisyo kung saan inanyayahang lumahok ang mahigit 40 bansa ay isasagawa sa Makassar, South Sulawesi, Indonesia mula Hunyo 4 hanggang 8.
Layon ng pagsasanay na mapahusay ang relasyon at kooperasyon ng mga kalahok na navy.
Kabilang sa pagsasanay ang mga aktibidad na may kinalaman sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Operations at Maritime Interdiction Operations. | ulat ni Leo Sarne
📸: PHILIPPINE NAVY – FLEET-MARINE READY FORCE