Kinumpirma ni DOTR Sec Jaime Bautista na itatalaga bilang Officer In Charge ng Manila International Airport Authority si MIAA Senior Asst. General Manager Bryan Andersen Co
Iyan ay matapos ang ipinataw na preventive suspension ng Ombudsman kay MIAA General Manager Cesar Chiong.
Ayon kay Sec. Bautista, sinunod lamang nila ang pormal na kautusan hinggil dito.
Matatandaang pinatawan ng preventive suspension si Chiong dahil sa sinasabing “grave abuse of authority” dahil sa paglilipat ng 285 personnel ng MIAA. | ulat ni Don King Zarate