BSKE candidates na suportado ng NPA, binalaan ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng maharap sa legal na aksyon ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na suportado ng New People’s Army.

Ang babala ay inihayag ni Regional Task Force-ELCAC 6 Spokesperson Prosecutor Flosemer Gonzales sa regular na pulong balitaan “TAGGED Reloaded: Debunking Lies By Telling The Truth” ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahapon.

Sa pulong balitaan, sinabi naman ni Undersecretary Ronald Cardema, Chairman ng National Youth Council (NYC), na nakikipag-coordinate ang kanilang mga regional office sa Office of Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte kaugnay ng recruitment activities ng NPA sa mga paaralan.

Binigyang diin ni Cardema na kailangang mapigilan ang pagre-recruit ng NPA sa mga estudyante para suportahan ang mga kandidato sa SK elections na pinopondohan ng teroristang grupo.

Kapwa binalaan ni Gonzales at Cardema ang mga opisyal ng paaralan at mga guro na sila ay “criminally liable” kung pahihintulutan o susuportahan nila ang mga ganitong aktibidad sa kanilang mga paaralan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us