BuCor, patuloy na isinusulong ang modernisasyon at rehabilitasyon ng mga PDLs sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na isinusulong ng Bureau of Corrections ang modernisasyon at rehabilitasyon ng ating mga persons deprived of liberty sa iba’t ibang penal farms sa bansa.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., bagama’t malaki ang kaniyang kinakaharap sa BuCor na ayusin at linisin ang katiwalian sa loob ng penal farms ay patuloy pa rin ang kanyang paggawa ng mga programa para sa modernisasyon ng mga PDLs na makapagsimula muli ng kanilang buhay.

Isa rin sa nakikita ni Catapang ang paglipat sa mga PDLs mula sa minimum at maximum compound sa Iwahig Penal Colony sa Palawan at bigyan ng tig-isang hektarya kasama ang pamilya para magtanim at makatulong sa food supply ng BuCor at magkaroon ng mga makabagong security equipment na layong paigtingin ang seguridad sa BuCor.

Samantala, nais naman ng BuCor chief na maisagawa ito sa loob ng limang taon sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2028. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us