BuCor, tatanggap na muli ng mga bisita

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpatuloy na muli ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW), matapos ang mahigit dalawang linggong suspensiyon dahil sa COVID-19.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., wala nang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang dalawang pasilidad.

Dagdag pa ng BuCor, mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang minimum health protocol sa mga bisita tulad ng pagsusuot ng face mask at daraan sila sa sanitizing area, upang maprotektahan ang mga stakeholder gayundin ang mga bilanggo.

Gayunman, hihingi pa rin ang NBP ng rapid antigen test negative result sa loob ng 24 oras, sa mga nagnanais bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay bago ang kanilang nakatakdang pagbisita.

Sinabi pa ng BuCor, na bukas ang NBP mula Miyerkules hanggang Linggo mula 7AM hanggang 3PM ng hapon lamang. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us