Calibrated na pag-import ng sibuyas, posibleng ikonsidera ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kasalukuyan, nananatili pang sapat ang supply ng pula at puting sibuyas sa bansa.

Gayunpaman, ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Spokesperson Jose Diego Roxas, ang supply ng puting sibuyas ay tatagal na lamang hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.

Sa brefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na ang supply naman ng pulang sibuyas ay tatagal hanggang sa huling araw ng Nobyembre.

Sa Enero pa aniya ng susunod na taon ang anihan ng sibuyas.

Kaugnay sa isinusulong ng grupong SINAG na mag-angkat ng sibuyas upang punan ang kakulangan para sa taong ito, ayon sa opisyal, ikinu-konsidera naman ito ng pamahalaan.

Gayunpaman, nag-iingat aniya sila, at titiyakin ng gobyerno na kung ano lamang ang bilang ng kakulangan sa supply ng sibuyas ay iyon lamang ang eksaktong dami ng aangkatin ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us