Tuloy-tuloy na rin ang ginagawang paghahanda ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Mawar sa Metro Manila.
Ayon kay CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao, may direktiba na si Caloocan City Mayor Along Malapitan na tutukan ang weather monitoring sa lungsod at magpatupad na rin agad ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
“Mayor Along already ordered the CDRRMO and other city departments to be alert in weather monitoring and implementing the necessary measures to ensure the safety of our constituents,” ani Dr. Lao.
Sa kasalukuyan, ay nananatiling operational 24/7 ang emergency hotline sa lungsod at ang
Alert and Monitoring Operations Center nito.
Kaugnay nito, nagdagdag ng mga bagong
emergency at rescue vehicles ang pamahalaang lungsod para sa mas mabilis na disaster response.
Punto ni Mayor Along, nais nitong makasiguro na may sapat na kagamitan ang kanilang mga rescuer para agad na makaaksyon tuwing may sakuna.
Iniutos rin nito ang gawing standard na ang 5-8 minutong response time sa anumang emergency situation sa Caloocan City.
“Kailangan mabilis ang pagresponde dahil buhay palagi ang nakataya tuwing may emergency o sakuna. Kailangan kayanin natin na sa loob lang ng limang minuto ay nakaresponde na tayo,” pahayag ni Mayor Along. | ulat ni Merry Ann Bastasa