Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buo ang paniniwala ni Senador Alan Peter Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging “game-changer” sa Pilipinas ngunit sinabi nitong dapat magtulungan ang publiko at pribadong sektor upang ganap itong maipatupad sa bansa.

“We must see e-governance as a blessing to our country because it makes government services more efficient, less prone to corruption, and more inclusive,” sabi ni Cayetano bago ang pagdinig ng komite ngayong Lunes (Mayo 22, 2023) ng Committee on Science and Technology na pinamumunuan niya.

“But we must truly want to have e-governance if it is to become reality. We must demand it from government,” dagdag niya.

Sinabi ni Cayetano na sa pagdinig ng komite ngayong Lunes, itutulak ang usapin ng pag-modernize ng digital infrastructure ng bansa “to ensure that all Filipinos have access to affordable, quality, secure, and up-to-date information and communication technologies.”

Kabilang dito aniya ay kung paano magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor upang matiyak na mayroong maaasahan at abot-kayang broadband internet service para sa lahat, at ang mga device na may internet-enabled ay mabibili sa abot-kayang presyo.

Ayon kay Cayetano, malaki ang maitutulong ng accessible at abot-kayang internet sa pag-“level up” ng playing field lalo na para sa mga Pilipinong naninirahan sa malalayong lugar.

Dagdag pa ni Cayetano, marami pa ring kailangang gawin para mabigyan ng madaling pag-access sa internet ang publiko, ngunit ang hamon na ito ay tiyak na haharapin at ituloy ng komite.

Sinabi ni Cayetano na kailangan ding lumikha ng mga computer at mobile application at online content na idinisenyo upang  hikayatin ang pakikilahok, pakikipag-ugnayan, at pag-unlad ng mga Pilipino.

Binanggit din niya ang madalas na mahaba at nakakadismayang proseso ng pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno at maging ng tulong pinansyal, at sinabing  nais ng mga tao ang isang mas simple at mas maginhawang paraan upang kumonekta sa gobyerno.

“Achieving accessible and affordable access to internet service and information and communication technologies is a matter of social and economic justice,” sabi niya.

Naniniwala si Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging “game-changer” dahil hindi lamang nito pinapabilis ang mga serbisyo ngunit inaalis ang maraming paraan ng katiwalian.

“E-governance will not be a slow evolution but a quantum leap — from slow and corruption-riddled to fast and clean processes. It will eliminate possibilities of corruption in the government’s provision of services,” aniya.

Sinabi ni Cayetano na gayong malalaki ang mga hamon, ang pagtulak sa e-governance ay makabubuti sa bayan at sa mga susunod na henerasyon dahil ang mga serbisyo ay nagiging mas accessible at magpapabuti sa buhay ng mga tao sa buong bansa.###

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us