Cayetano sa Maharlika Investment Fund (MIF): Siguraduhin ang safeguards para makinabang ang mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano na dapat bigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga safeguard ng Maharlika Investment Fund (MIF) ng 2023 upang masigurado ang tagumpay nito at makinabang ang mga Pilipino.

Ipinasa na ng Senado madaling-araw ng Miyerkules ang Senate Bill No. 2020 o ang panukalang MIF sa botong 19 affirmative, isang negative, at isang abstention.

Ang panukalang batas ay tatalakayin na sa bicameral conference committee upang pagkasunduin ang bersyon ng Senado sa bersyon ng House of Representatives.

“Huwag lang nating ipasa ito na may tamang safeguard, ipasa rin natin ito to make sure that it meets the objective na kumita ito and that the money goes to the Filipino people,” wika ni Cayetano sa isang manifestation noong gabi ng Martes habang pinag-uusapan ang bill.

Sinabi ni Cayetano na mayroong mga mahahalagang prayoridad na nangangailangan ng mas madiing pansin. “I would rather use the fund for education, agriculture, infrastructure, and health. The bottom line is that we have to align the priorities of this fund,” aniya.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, sinabi ni Cayetano na anim sa sampung Pilipino ay namamatay nang hindi nakakakita ng doktor. Sinabi rin niya na may 16,000 na barangay na walang primary health unit o health center.

Sinabi ni Cayetano na isang paraan ng pagtugon sa mga agarang na problema na ito ay ang pagtatalaga ng P500 bilyong seed capital ng MIF sa mga kritikal na pangangailangan ng sektor ng edukasyon, agrikultura, imprastraktura, at kalusugan.

Ngunit sinabi niya na ang mas magandang paraan ay tiyakin na magtagumpay ang MIF at magkaroon ng mga reporma sa 2024 national budget.

“I can criticize to death na dapat iyang 500 billion [na seed capital ng MIF], mapunta lahat iyan sa school buildings. But if we can somehow fix that in the budget in 2024, then we’ll have both,” wika ni Cayetano.

“We will have a Maharlika Fund that deals with its specific objectives, and we’ll also have the classrooms that we need,” dagdag niya.

*Hindi mabuti o masama*

Sinabi ni Cayetano na ang personal niyang pananaw sa MIF ay hindi ito mabuti o masama.

“It’s like a gun na kung nasa kamay ng pulis and it’s for peace and order, eh di maganda. If it’s in the hand of the kidnapper, eh di gagamitin sa masama. Ang baril ba ay pwedeng i-abuse? Pwede,” sabi niya.

“Our duty [in the Senate] is to pass a law that will make sure that the proper safeguards are there, precisely para hindi ma-abuse at magamit sa masama. Meaning ‘yung public funds (ay) para sa publiko,” dagdag niya.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, pinanindigan ni Cayetano ang kanyang pangako na susuriin ang panukalang MIF nang walang kinikilingan. “I had a deep thought on this na kung na-file kaya ito noong Duterte administration, would I support it or not? I came to the conclusion that I would still look at it the same. I would still push for the proper priorities now,” wika niya.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us