CHED, inaprubahan ang pagbubukas ng medical education sa dalawang unibersidad sa Visayas at Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas maraming estudyante na ang magkakaroon ng access sa medical education sa Visayas at Mindanao.

Ito kasunod ng pag-apruba ng Commission on Higher Education sa Doctor of Medicine programs sa Bohol Island State University (BISU) sa Tagbilaran, Bohol at University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP), sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay CHED Chairman Popoy De Vera, ang pagpapalawig sa medical course sa dalawang unibersidad ay bahagi ng implementasyon ng Republic Act No. 11509 o ang Doktor Para sa Bayan Act.

Tinukoy nitong sa nakalipas na taon ay nadagdagan na sa 17 ang mga HEIS sa bansa na nag-aalok ng medical programs.

Umaasa naman si Chairperson De Vera na sa pagbubukas ng Doctor of Medicine program sa dalawang unibersidad ay mas maraming mahihirap na estudyante ang magiging iskolar sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan Act.

“The approval to operate the Doctor of Medicine program in BISU and USTP expands the opportunities for the poor but deserving students through scholarship support under the Doktor Para sa Bayan Act. Now we can produce more doctors through our top SUCs, who will go to underserved areas and local governments in need of health personnel,” De Vera. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us