COMELEC, nanawagan ng pondo para sa bagong makina na gagamitin sa 2025 elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Commission on Elections o COMELEC sa Kongreso na mabigyan sila ng kinakailangang budget partikular sa mga bagong makina, na target na magamit sa hatol ng bayan 2025.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang “worst case scenario” na maaaring mangyari ay ang hindi mabigyan ng pondo ang mga makinang planong ipalit sa vote counting machines o VCMs.

Ani Garcia, kapag kasi walang sapat na budget ay gagamitin muli ang nasa 98,000 VCM na deklarado na nilang “unusable” o hindi na magagamit.

At sakaling mangyari ito, magkaka-problema talaga aniya dahil kakailangan pang i-refurbish ang mga VCM.

Ayon kay Garcia, sana matingnan ang kagandahan ng proposal ng COMELEC na maisantabi na ang VCMs, at makapag-procure o makapag-lease na ng mga bagong makina.

Sinabi ni Garcia na batay sa projection ng COMELEC para sa 2025 Elections — nasa 71 million na ang mga botante, habang nasa 127,000 ang mga presinto; kaya 127,000 ang kailangang makina.

Umaasa naman si Comelec Commissioner Rey Bulay – na sana’y makita ng Kongreso at ng ating mga kababayan ang “ganda” ng kanilang mga plano, dahil ito ay naka “tailor fit” aniya sa eleksyon sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us