Maglulungsad ng $30-million US dollars na education partnership ang Estados Unidos para sa Pilipinas, upang mapatatag ang education system ng bansa.
Isa ito sa mga commitment na na-secure ng Pilipinas mula sa White House, sa gitna ng nagpapatuloy na official working visit ng Pangulo sa Washington DC.
Pangungunahan ng US Agency for International Development ang inisyatibong ito na layong tutukan ang mga unibersidad sa Pilipinas, upang mapalawak pa ang inobasyon ng mga ito, entrepreneurship, at pagpapalakss ng workforce capabilities ng mga unibersidad sa bansa.
Ang flagship education partnership na ito ay magsusulong lamang sa Philippine human capital priorities sa pamamagitan ng pagsuporta maging sa mismong development ng curriculum ng mga unibersidad, faculty training, higher education policy, at management.
Kabilang na rin dito ang pananaliksik at community engagement.
Samantala, tiniyak rin ng US government ang pagbibigay ng $70-million US dollars na suporta para sa higit 2,000 exchange participants sa pagitan ng Pilipinas at US, sa susunod na 10 taon.
Ikinalugod naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ang plano para sa pagbuo ng Philippine – US Friendship Fellowhip.
Layon nitong magbukas ng educational opportunities, para sa mga mag-aaral na Pilipino at young professionals na makapag-aral sa Estados Unidos. | ulat ni Racquel Bayan