Pinagtibay ng Department of Education ang partnership nito sa pribadong sektor matapos maglunsad ng information and communications technology o ICT equipment sa Mountain Province.
Ang tulong ay para sa Alternative Learning System sa bayan ng Sagada para sa pagpapalakas ng connectivity na bahagi ng pagtataguyod ng MATATAG Agenda ng DepEd.
Ayon sa Schools Division Office ng Mountain Province, magsisilbing pilot school ang Sagada Central School para sa partnership sa pagitan ng DepEd at Cebuana Lhuillier.
Bukod sa ICT equipment at connectivity, plano ng partner company na isulong ang digitalization ng ALS Modules.
Mababatid na nito lamang nakaraang linggo ay inilatag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang 7-point priority intervention bilang suporta sa MATATAG Agenda.
Nakapaloob dito ang electrification at connectivity sa mga paaralan na pangungunahan ng School Infrastructure and Facilities strand. | ulat ni Hajji Kaamiño