Kasunod ng pagtatapos ng Balikatan 38 – 2023 noong nakaraang linggo, sinundan ito ng pagdaraos ng Cope Thunder 23-1, military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Ma. Consuelo Castillo nagsimula ang nasabing pagsasanay kahapon, May 1 at magtatagal hanggang May 12, 2023.
Ginaganap ang nasabing military exercise sa Clark Air Base, Pampanga kung saan kalahok dito ang 160 USAF service members at 400 PAF Airmen mula sa ibat ibang units ng PAF.
Layon nitong magsagawa ng air-to-air operations na magbibigay oportunidad sa dalawang bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad at kahandaan na tumugon sa mga banta sa rehiyon.
Kabilang sa pagsasanay ang Defensive Counter Air at Offensive Counter Air operations kung saan sasanayin ang mga kalahok sa identification, tracking, at interception ng enemy aircraft.
Ito ang unang pagkakataon makalipas ang 30 taon na muling isasagawa ang ehersisyo sa pagitan PAF at US Pacific Air Force matapos itong itigil noong 1990. | ulat ni Leo Sarne
?: MaxDefense Philippines