Nagtuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod Quezon.
Mula sa higit isang libong bagong active cases na naitala noong nakalipas na buwan, bumaba na ito ngayon sa 752 ang bilang.
Ang mga kumpirmadong active cases ay mula sa 299,346 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 98.96% o 296,218 na ang gumaling mula sa nasabing sakit.
Samantala, patuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19.
Batay sa tala ng LGU, umabot na sa 6,817,121 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa vaccination program ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer