Nananatili pang manageable ang mga ospital sa bansa sa gitna ng naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Kung matatandaan, noong nakaraang linggo nasa higit 12,000 COVID cases ang naitala ng Department of Health (DOH).
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines President Dr. Rene de Grano na wala pa naman silang naitatalang mga ospital na napupuno na sa kasaukuyan.
Nilinaw ni Dr. De Grano, na hindi naman lahat ng na-admit ay dahil nag-positive sa COVID-19.
Ang iba aniya sa mga ito ay na-admit dahil sa ibang sakit, at nalaman lamang na positive sa COVID-19 nang isailalim na sa COVID test.
Karamihan aniya sa positive cases ay mild symptoms lamang ang ipinakikita.
Ayon kay Dr. De Grano, ang mga pasyente naman na walang nararamdaman ay pinapayuhan nang sa bahay na lamang mag-isolate. | ulat ni Racquel Bayan