Mataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa OCTA Research Group.
Sa pinakahuling datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David ay halos doble pa ang itinaas sa COVID-19 positivity rate sa lalawigan ng Isabela na nasa 67.4% nitong May 20 mula sa 36.6% noong nakaraang linggo.
Tumaas rin ang COVID positivity rate sa Bataan, Batangas, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, La Union, Laguna, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Quezon, Tarlac, at Zambales.
Samantala, maliit na lang ang porsyento ng itinaas ng COVID positivity rate sa Metro Manila.
As of May 20 ay nasa 25.7% ang positivity rate sa NCR mula sa 25.4% noong May 13.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, indikasyon ito na pababa na ang trend ng COVID cases sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa