COVID positivity rate sa NCR, bahagyang bumaba — OCTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng OCTA Research Group ang bahagyang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na araw.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa 26.1% ay bumaba sa 25.2% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong May 21.

Posibleng senyales aniya itong umabot na sa peak ang trend ng COVID infections sa NCR.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kung magpapatuloy ang pagbaba ng 7-day positivity rate sa rehiyon hanggang sa susunod na linggo ay maaring indikasyon na ito ng bumubuting COVID situation sa Metro Manila.

Kaugnay nito, naitala rin ng OCTA ang pagbaba sa hospital occupancy rate sa NCR sa 28.8%. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us