COVID positivity rate sa NCR, posible pang umakyat sa 25% — OCTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangangambahan ng OCTA Research Group na sumipa pa sa 25% ang maitalang weekly COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of May 2 ay umakyat pa sa 19.7% ang 7-day testing positivity rate sa NCR mula sa 12.7% noong April 25.

Bukod dito, naitala rin ng OCTA ang bahagyang pagtaas na rin sa NCR Hospital Occupancy sa 24.7% nitong May 2, mula sa 22.5% noong nakaraang linggo.

Patuloy namang pinaalalahanan ng OCTA Research team ang publiko na bagamat hindi na gaanong mahigpit sa health protocols ay mainam pa ring protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us