Patuloy ang mabilis na pagsirit ng COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of May 3 ay sumampa na sa 20.4% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 14% noong nakaraang linggo.
Ayon sa eksperto, huling umakyat sa 20% ang positivity rate sa NCR noong Enero ng 2022 pa kung kailan nagkaroon ng Omicron BA.2 surge.
Kaugnay nito, umakyat rin sa 18% ang nationwide positivity rate matapos na makapagtala ng 1,190 na bagong kaso ng COVID-19.
Bahagya ring tumaas ang hospital occupancy rate sa bansa sa 25.5%
Sa pagtaya naman ng OCTA ay posibleng sumampa sa 1,300-1,500 ang COVID news cases ngayong Biyernes. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: Dr. Guido David