Patuloy na tumataas ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon yan sa OCTA Research Group.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of April 29 ay umakyat sa 17.2% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 10.2% noong nakaraang linggo.
Kaugnay nito, tumaas naman sa 15.2% ang naitalang positivity rate sa buong bansa.
Sa ulat naman ng Department of Health, mula sa 1,263 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong April 30 ay 536 kaso ang mula sa Metro Manila.
Una nang sinabi ni OCTA Research fellow Guido David, inaasahan nitong lalo pang tataas ang hawaan ng COVID-19 sa NCR sa hanggang 20%. | ulat ni Merry Ann Bastasa