Maaaring kumuha ng libreng Certificate of Eligibility (COE) ang mga first-time jobseeker na planong kumuha ng trabaho sa gobyerno.
Ito ang ipinaalaa ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na alinsunod sa Republic Act (R.A.) No. 11261 or the First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA).
Ayon kay Chairperson Nograles, ang mga indibdiwal na unang beses palang mag-apply para sa career service position at pasado sa Career Service Professional at Subprofessional Examination ay walang babayaran kung kukuha ng isang orihinal na kopya at isang authenticated copy ng COE.
Umaasa naman itong mas dumami pa ang magre-quest ng libreng COE lalo na ng mga magsisipagtapos sa kolehiyo.
โ๐๐บ ๐จ๐ช๐ท๐ช๐ฏ๐จ ๐ง๐ณ๐ฆ๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฆ-๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฐ๐บ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ณ๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ณ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด ๐ต๐ฐ ๐ฒ๐ถ๐ข๐ญ๐ช๐ง๐ช๐ฆ๐ฅ ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ฅ๐ถ๐ข๐ญ๐ด, ๐ธ๐ฆ ๐ฏ๐ฐ๐ต ๐ฐ๐ฏ๐ญ๐บ ๐ฆ๐น๐ฑ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ข๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด ๐ต๐ฐ ๐จ๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ต ๐ธ๐ฆ ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ข๐ญ๐ด๐ฐ ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ต๐ฐ ๐ค๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ฑ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ด ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ท๐ฆ ๐ข ๐ง๐ช๐ณ๐ด๐ต-๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ ๐ซ๐ฐ๐ฃ๐ด๐ฆ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ณ๐ดโ ๐ข๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด ๐ต๐ฐ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฐ๐บ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต,โ pahayag ni Chairperson Nograles. | ulat ni Merry Ann Bastasa