CSC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa August Career Service Exam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang pinilahan ng mga nagbabakasakaling aplikante ang pagbubukas ng aplikasyon para sa August 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Sa Civil Service Commission (CSC)-NCR Headquarters sa Brgy. Doña Josefa, Quezon City, wala pang alas-8 ng umaga kanina ay mahaba na agad ang pila ng mga aplikante.

Kabilang sa maagang pumila rito ang mga first time taker na sina Bien at Kenneth.

Ayon kay Bien, gusto niyang itaguyod ang pagiging kawani ng gobyerno dahil sa magandang benepisyo nito.

Ang aplikante namang si Kenneth, sinabing matagal nang pangarap ang maging civil servant para mapagsilbihan ang bayan.

Ayon naman kay CSC Comm. Aileen Lizada, hindi lang sa NCR mahaba ang pila kundi maging sa iba pang field offices ng komisyon.

Batay sa abiso ng CSC, tatanggap ito ng aplikasyon para sa mga interesadong kumuha ng eligibility examination hanggang sa June 21, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us