DA, nais isulong ang paggamit ng organic fertilizers ng mga magsasaka sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais isulong ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng bio fertilizers ng mga magsasaka sa bansa upang maging malusog ang fertilization ng agricultural lands.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni Bureau of Soils and Water Management chief Dr. Karen Bautista na base sa kanilang pag-aaral, nasa moderate level na ang kalusugan ng agricultural lands sa ating bansa.

Ito’y dahil sa patuloy na paggamit ng synthetic fertilizers na dahilan ng pagkakaroon ng acidity content ng agricultural soils na siyang nagiging dahilan sa pagbaba ng nutrisyon o fertillization rate ng kalupaang pang-agrikultura.

Dagdag pa ni Bautista, maaari namang dahan-dahanin ang pag-ttransition sa paggamit ng bio fertlilizers upang hindi mabigla ang mga pananim gaya ng palay o bigas na siyang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, sa tulong ng bio fertilizers ay mas mapapaigting ang kalidad ng produksyon ng bawat pananim at gayundin ang food security sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us