Daan-daang job applicants, dumagsa sa Labor Day job fair ng DOLE-Camanava

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang naging blockbuster ang pila ng mga naghahanap ng trabaho sa malawakang Labor Day job fair na binuksan ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA sa SM City Grand Central sa Caloocan City ngayong araw.

Isa sa maagang nakipila rito si Stephine na 7:30 palang ng umaga ay nagtungo na sa mall para maghanap ng maaplayan ng trabaho abroad.

Ang aplikante namang si Alfie, naghanda ng walong (8) resume sa pagdating dito sa Labor Day Job Fair at nagbabakasakaling matanggap sa isang IT Company.

Ayon sa DOLE, nasa 5,500 na trabaho ang alok sa naturang job fair mula sa 58 employers sa loob at labas ng bansa.

Kabilang sa mga employer na mag-aalok dito ng trabaho ay mula sa BPO, manufacturing, financial at insurance activities, manpower services, at sales and marketing.

Bukod sa mga alok na trabaho, available rin dito ang one-stop-shop ng mga serbisyo ng gobyerno kabilang ang PSA, DMW, TESDA, SSS, Pag-Ibig, Philhealth at BIR.

Personal namang bumisita sa job fair sina Caloocan City Mayor Along Malapitan, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Navotas Mayor John Rey Tiangco para suportahan ang mga nagtungo ritong aplikante.

Umaasa ang DOLE-NCR Camanava na maraming aplikante ang magiging hired-on-the-spot at mabiyayaan ng bagong trabaho sa naturang job fair. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us