Sa muling pagbubukas sesyon ngayong araw, inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Kamara na bigyang prayoridad ang labing apat na panukalang batas na kabilang sa LEDAC priority measures ng pamahalaan.
Ito’y matapos madagdagan ng labing isang panukala ang LEDAC bills kaya naman mula sa 31 ay umakyat na ito sa 42.
Ani Romualdez, ang mga panukalang batas na ito ay inaasahang makakatulong sa sektor ng public health, paglikha ng mga bagong trabaho, at tumulong sa pagpapalakas pa ng ating ekonomiya.
“They are intended to sustain our economic growth, hasten the country’s digital transformation and speed up the delivery of public services to our people, among other objectives,” ayon sa House Speaker.
Kabilang sa dagdag na mga panukala ang Amyenda sa AFP Fixed Term Bill; Ease of Paying Taxes; Maharlika Investment Fund; Local Government Unit Income Classification; Amyenda sa Universal Health Care; Bureau of Immigration Modernization; Infrastructure Development Plan/Build Build Build
Program; Philippine Salt Industry Development Act; Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS), National Employment Action Plan; at amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
Bago ang Holy Week break ng Kongreso ay walo na lamang na LEDAC bills ang hindi pa napag tibay ng Mababang Kapulungan.
Kaya naman ayon sa House leader, best effort sila na maipasa agad ang orihinal na walong priority bill bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa June 2.
“It will be on a best-effort basis. We will try to pass the remaining eight bills from the original priority list. If we could do that, we would have approved all the urgent measures identified by President Marcos in less than a year,” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes