Naniniwala si MARINO Party-list Rep. Sandro Gonzales na bubuhos pa ang employment opportunities para sa mga Pilipinong mandaragat kasunod ng US trip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kung matatandaan, mismong ang CEO ng Carnival Corporation ang naghayag na plano nilang kumuha ng 75,000 na Filipino seafarers.
Partikular na nagustuhan ng kumpanya ang pagiging competitive ng Pinoy seafarers kasama na ang kanilang work attitude gaya ng pagiging masiyahin.
“Hearing this from renowned foreign companies like Carnival Corporation is a good news to us. It only shows that our Pinoy seafarers remain consistent with the quality of their work output within and outside the Philippines.” ani Gonzales
Dagdag pa ng mambabatas, hindi lamang ang mga marino ang makikinabang sa development na ito dahil maging ang seafaring students na magtatapos pa lamang ay may tiyak nang labor market para sa kanila.
Positibo ang kongresista na dahil sa isang kilalang kompanya gaya ng Carnival Corporation ay interesado sa ating seafarers ay marami pang ibang kumpanya na kukuha sa ating mga mandaragat.
“More opportunities like this are definitely coming to the country under the administration of Pres. Marcos, Jr. Let us take every opportunity that will benefit the entire seafaring industry because their success is also ours.” pagtatapos ng Kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes