Dagdag na P720-M para sa itinatayong Zamboanga International Airport, natanggap na ng DOTR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na ibinalita ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Transportation (DOTr) ang P720 million na pondo para makumpleto ang Zamboanga International Airport Development Project.

Ayon kay Dalipe, mismong si Transportation Sec. Jaime Bautista ang nagpaalam sa kaniya na mayroon nang pondo para sa land acquisition phase ng bagong Zamboanga International Airport.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 44 na lote ang nabili para sa proyekto ay mayroong 10 pa na under negotiation.

Oras na matapos ang naturang paliparan ay kaya nitong maka-accommodate ng 8-M pasahero kada taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us