Gagamitin ang dalawang bagong komisyong Israel-made gunboats sa pagpa-patrolya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., gagamitin rin ang mga barkong ito para sa civil defense.
“Lahat iyan ginagamit talaga natin pang-patrolya. Hindi lamang sa West Philippine Sea kung hindi sa civil defense.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, palagi namang malaki ang papel na ginagampanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa usapin ng search and rescue, maging sa pagdadala ng relief goods sa mga Pilipinong nangangailangan.
Dahil na-commission na aniya ang mga barkong ito, maisasama na ito sa imbentaryo ng AFP, upang makatulong para sa kapwa pagdepensa sa interes ng Pilipinas mula sa outside forces, maging para sa civil defense, sa pagtulong sa mga nabibiktima ng sakuna at kalamidad.
Narito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
“Since they have already commissioned, then talagang ito ay isasama na natin sa imbentaryo ng ating mga barko para gamitin both for the defense from external forces and also for civil defense sa pagtulong sa mga disaster na nangyayari ngayon sa Pilipinas.” Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan