DAR, namahagi ng mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng certificates of land ownership award sa may 807 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Mindanao.

Ang mga lupang sakahan na sumasaklaw sa 1,035 ektarya ay matatagpuan sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Misamis Occidental.

Hinimok ni Estrella ang mga Agrarian Reform Beneficiaries na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapabuti ng kani-kanilang mga lupang sakahan at pag-angat ng kanilang buhay pang-ekonomiya.

Hinikayat din ng kalihim ang lahat ng mga magsasaka na gamitin ang iba’t ibang programa ng DAR na higit na makatutulong sa kanila .

Kabilang dito ang pagkakaloob ng mga pautang na may mababang interes at mga pasilidad, bukod sa iba pa. | ulat ni Rey Ferrer

? DAR

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us