Dating FM DJ, inaresto ng NBI dahil sa sextortion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Western Visayas Regional Office ang isang 57-anyos na lalaking dating FM DJ sa Iloilo City dahil sa sextortion sa kanyang karelasyon.

Naaresto sa isang entrapment operations ang suspek na hindi na muna pinangalanan ng NBI.

Ayon sa NBI, nag-ugat ito sa reklamo ng kanyang nakarelasyon, na umano’y tinatakot ng suspek na ipapakalat ang maseselan niyang litrato at video kung hindi papayag sa gusto nitong mangyari.

Nagbanta pa itong ipo-post sa pornography websites ang ilang videos at pati na sa group chat nito sa trabaho.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa Iloilo City Prosecutors Office.

Nahaharap ito sa mga kasong paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) na may kaugnayan sa Anti Cyber Crime Prevention Act at paglabag sa Anti Violence Against Women and their Children Act.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us