Dating Payatas dumpsite, isa nang bike park at tourist attraction sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng Quezon City LGU ang pagbubukas ng pinakabagong bike park sa lungsod na matatagpuan sa Payatas Controlled Disposal Facility.

Ito ay ang dating tambakan ng basura na ipinasara noong 2010, isinailalim sa redevelopment ng pamahalaang lungsod at ngayo’y maaaari nang pasyalan ng mga siklista.

“Ang Payatas Controlled Disposal Facility Bike Park ay isang patunay sa buong mundo na kaya ng Quezon City na magtayo ng ligtas at luntiang mga komunidad. Ang dating bundok ng basura, maaliwalas na at maaaring gamiting libangan at pasyalan,” ani Mayor Belmonte.

Tampok sa naturang bike park ang apat na ruta kabilang ang 900-meter beginner route, view deck route, beginner trail, at ang perimeter trail na swak para sa mountain biking.

Bukod sa bike park, makikita rin dito ang iba pang atraksyon gaya ng bamboo park, dog park, open-air museum, at plant nursery.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pagbubukas ng bike park ay bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Belmonte para sa pagpaparami ng mga parke at green spaces  tungo sa isang green, at sustainable Quezon City.

Sa kabuuan, mayroon nang 167-km ng protected national at city bike lanes at 15 bike ramps sa lungsod habang aabot na rin sa 200 ang parke at open spaces ang matatagpuan sa Quezon City.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us