Dating pulis na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Caloocan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng nga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang dating pulis sa Brgy. 34, Caloocan City.

Kinilala ang akusado na si Melchor Santos na wanted sa kasong child abuse.

Ayon kay PMaj. Dave Garcia, deputy commander ng MPD-SMaRT, dating naka-destino si Santos sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) na may ranggo na patrolman.

Nasibak siya sa pwesto noong 2020 dahil sa pag-absent without leave (AWOL) at sa kinahaharap na kasong administratibo.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pamamalo nito sa kapitbahay na batang lalaki gamit ang bakal at pagsasabi ng masasamang salita.

Natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ni Santos sa tulong ng kanilang impormante at mapayapa itong sumunod nang arestuhin.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang akusado. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us