Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. si Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez bilang bagong ambassador sa Oman.
Nilagdaan ng pangulo ang appointment ni Hernandez nitong nakaraang Biyernes, May 12.
Si Hernandez ay nagsilbi na din bilang Philippine Ambassador to Turkey na may hurisdiksyon sa Georgia at Republic of Azerbaijan habang naging ambassador din ito sa South Korea.
Si Hernandez ay nagsilbi bilang DFA spokesperson sa panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Sa kabilang dako’y itinalaga din ng Pangulo si Henry Bensurto Jr. bilang bago namang Ambassador to Turkey kapalit ni Hernandez.
Bukod sa dating Assistant Secretary of the Office of Consular Affairs, nagsilbi ring
Assistant Secretary of the West Philippine Sea Center sa DFA at naging Secretary-General of the Commission on Maritime and Ocean Affairs Secretariat. | ulat ni Alvin Baltazar