DBM nakapag-alok na ng mahigit sa 93.8% ng total budget allotment ng mga ahensya ng pamahalaan sa unang quarter ng 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapaglaan na ng nasa 93.8% ang Department of Budget and Management (DBM) para sa budget allotment ng mga ahensya ng pamahalaan para sa unang quarter ng taon.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa naturang porsyento ay nakapaglaan na ng ang DBM ng nasa mahigit P2.9-trillion na pondo sa iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan mula sa P3.16-trillion na specific budgets ng national government.

Dagdag pa ni Pangandaman na layon ng pagpapabilis ng pag-release ng mga pondo ay upang mabilis na maipatupad ang mga proyekto at serbisyo ng pamahalaan alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na maihatid ang mga pondo ng wasto at maramdaman ng taumbayan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us