Declogging operations sa QC, pinaigting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan din ang drainage declogging operations ng QC local government sa iba’t ibang distrito ng lungsod.

Ito’y upang maiwasan ang matinding pagbaha sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan.

Pinangungunahan ng District Action Offices at QC Engineering Department ang halos araw araw nang declogging operation sa mga baradong man­holes at kanal na puno ng putik at basura na kadalasang ugat ng pagbaha.

Kabilang sa mga lugar na nalinis kamakailan ang creek sa Osmeña street, Commonwealth Heights, Brgy. Commonwealth; manhole sa Matalino street, Brgy. Central; manhole sa Luzon street, Brgy. San Isidro Galas; manhole sa Luzon street cor. Unang Hakbang, Brgy. San Isidro Galas; Manhole sa Queensland Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon at ang bahagi ng GSIS at Aurigue street sa Brgy. Sangandaan.

Una na ring tiniyak ng QC Engineering Department na naka-deploy na sa bawat distrito ang kanilang mga kagamitan at sasakyan na maaaring magamit sakaling mangailangan ng disaster response at rescue operations. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: QC LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us