DENR, makikipagtulungan sa shipping companies para maiwasan na ang mga insidente ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paiigtingin pa nito ang pakikipagtulungan sa mga local ship-owner para maiwasan ang insidente ng oil spill sa karagatan.

Kamakailan lang ay nakipagpulong si DENR Sec. Antonia Loyzaga sa ilang kinatawan mula sa shipping industry para talakayin ang mga hamon sa operasyon ng industriya at maglatag ng mga polisiyang tutugon sa oil spill disasters.

Kabilang sa idinulog na isyu ng mga shipping operator ang pag-classify ng mga barkong naglalayag at ang mga permit na iniisyu rito.

Nangako naman si Sec. Loyzaga na bubuo ito ng isang technical working group para matukoy ang ilang polisiya at batas na dapat repasuhin nang hindi na masundan ang nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

“Our commitment with them is that we will sit together and come up with a technical working group on the policy change that needs to happen with emphasis on prevention. We need to actually look at the legislation that needs to be updated.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us