Department of Tourism, nakapagtala ng mahigit P1 trilyong tourism revenues sa taong 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na lalo pang lalago ang industriya ng Turismo sa bansa sa kabila na rin ng mga bagong banta ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco, makaraang iulat niya na nalampasan pa ng Pilipinas ang target na 1.8 million foreign tourist arrivals sa bansa.

Sa isang forum, sinabi ni Frasco na mula nitong Mayo 2, nakapagtala ang Pilipinas ng may 1,875,967 foreign visitor arrivals.

Nagresulta aniya ito ng pagkakabawi ng sektor ng turismo noong 2022, kung saan nakapagtala ito ng 2.65 million tourist arrivals habang kumita ang Pilpinas ng P1.784 trillion para sa toursim revenues.

Dahil dito, sinabi ni Frasco  na patuloy nilang isinusulong ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsilbing powerhouse ang Pilipinas sa Asya at sa buong mundo pagdating sa turismo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us