Pinalawig ng Department of Education ang public review para sa draft ng revised Kindergarten to Grade 10 curriculum.
Ayon sa DepEd, alinsunod sa commitment nito sa ilalim ng MATATAG Agenda ay extended ang review hanggang sa May 13, 2023.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat na panahon ang stakeholders na magbahagi ng feedback sa shaping papers at draft curriculum guides para sa Language and Literacy at Reading learning areas.
Kasabay nito, nagpasalamat ang ahensya sa 4,843 respondents na lumahok sa public review ng K to 10 curriculum.
Kinabibilangan ito ng mga mag-aaral, magulang, teachers’ organizations, professional associations, private schools associations, higher education institutions, mga ahensya ng gobyerno at NGOs.
Maaaring i-access ang shaping papers at draft revised Curriculum Guides sa link na ibinigay ng DepEd sa official social media page nito. | ulat ni Hajji Kaamiño