Pinangunahan ng Philippine Railways Institute ang pagtanggap at pag-inspeksyon sa 27 desk-type train simulators mula sa gobyerno ng Japan.
Ayon sa Department of Transportation, ang simulators ay gagamitin sa train driving courses na iniaalok ng PRI para sa bagong railway personnel at sector applicants.
Naging panauhin sina Transportation Undersecretary at PRI Officer-in-Charge Anneli Lontoc, mga opisyal ng PRI at kinatawan ng Office of the Undersecretary for Railways.
Pinangasiwaan ng supplier at consultants ang testing at handover ng desk-type train simulators.
Bilang kauna-unahang railway training institution sa bansa, ang PRI ay nagsisilbing primary policy-making, planning, implementing, regulating at administrative agency sa human resource development para sa railway sector.
Isa sa mga layunin nito ang suportahan ang kasalukuyang railway infrastructure at development sa hinaharap. | ulat ni Hajji Kaamiño